^

Dr. Love

Palamunin pa rin ang ka-live in

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nasusuya na ako sa ugali ng asawa kong si Julius. Tawagin mo na lang akong Josie, may mini grocery ako sa harap mismo ng bahay ko. Si Julius naman ay namamasada ng jeepney.

Sagot ko ang lahat ng gastusin sa bahay, pagkain, ilaw at kuryente. Pero si Julius ay walang kontribusyon kahit kusing. Ang kinikita niya ay solo niya. Mahilig siyang magsugal at uminom ng alak at doon lang napupunta ang kanyang kinikita sa pamamasada ng jeepney.

Mahal na mahal ko si Julius nang unang magkakilala kami. Pinakisamahan ko siya kahit walang trabaho. Five years na kaming live-in at sa loob ng dalawang taon ay wala siyang trabaho at ako lang ang bumuhay sa kanya at sa aming kaisa-isang anak na lalaki.

Nakabili ako ng second hand na jeepney at ibinigay ko sa kanya para madagdagan ang aming income. Nadagdagan nga pero walang pagbabago. Palamunin ko pa rin siya dahil hindi siya nag-iintrega ng kinikita sa akin.

Madalas na naming pinag-aawayan ang bagay na ito at nawawalan na ng katahimikan ang aming tahanan. Ano ang gagawin ko?

Josie

Dear Josie,

Ikaw ang may pagkukulang kung bakit nagkaganyan ang mister mo. Masyado mo siyang ini-spoil sa mahabang panahon kaya nahirati sa buhay ng pagkapalamunin.  Ibinili mo pa siya ng jeepney pero imbes na mag-intrega ng pera sa iyo ay nilulustay niya sa bisyo ang kanyang kinikita.

Mahirap nang mabago ang kanyang ugali maliban na lang kung ang Diyos ang magpapabago sa kanya.  Hindi kayo kasal kaya maaari mo siyang iwanan kung tutuusin. Ngunit kung mahal na mahal mo siya, wala kang magagawa kundi magtiis sa masama niyang ugali.

Madalas kong payuhan ang mga mag-live-in partners na magpakasal pero sa kaso mo, hindi ko ito maipapayo dahil sa pangit na ugali ng asawa mo.

Huwag ka ring magkukulang sa pangangaral sa kanya kahit pa ikagalit niya. Tutal para sa ikabubuti naman ng inyong pamilya ang sasabihin mo sa kanya. Five years pa lang kayo at hindi pa masyadong matagal iyan.   Paano kung umabot ng ten years o twenty years?  Parang panghabambuhay mo nang kalbaryo iyan.

Dr. Love

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with