^

Bansa

3 dam, nagbabawas ng tubig

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbabawas na ng tubig ang tatlong dam sa Luzon dulot ng patuloy na pag-ulan sanhi ng habagat.

Sa ulat ng PAGASA-Hydrometeorology Division, isang gate ang binuksan sa Ipo Dam.

Umaabot na sa 106 meters ang antas ng tubig ng naturang dam na bahagyang mataas sa 101 meters na normal high water level.

Tig-tatlong gate naman ang binuksan sa Ambuklao Dam at Binga Dam.

Nasa 7.51 meters ang water elevation sa Ambuklao na halos maabot na ang 752 meters na normal high water elevation.

Abot na rin sa 574.58 meters ang water elevation ng Binga at halos pantay na sa 575 meters na normal level nito.

Samantala, tumaas din ang antas ng tubig sa Angat Dam, na nasa 191.70 meters na. Nadagdagan ito ng 3.50 meters kumpara sa 188.20 meters noong Biyernes.

Umangat din ang water level sa La Mesa, San Roque, Pantabangan, Magat at Kaliraya.

vuukle comment

PAGASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with