^

Dr. Love

Itutuloy pa ba ang relasyon?

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tatlong taon na kami ng aking boyfriend. Ako po ay isang born again Christian at nang una ka-ming naging magkarelasyon, naisasama ko siya sa church na dinadaluhan ko. Sa katunayan, nang mag-altar call sa isa naming worship service, kasama siya sa mga tumanggap sa Panginoon.

Natuwa ako dahil tinanggap na niya si Jesus bilang Lord and Savior. Pero nang sumunod na taon ay ayaw na niyang sumama at madalas akong sinasabihan na ang Diyos na pinaniniwalaan ko ay hindi totoo. Inamin niya sa akin na tumugon lang siya sa altar call ng pastor dahil pinagbigyan niya ang udyok ko.

Ang Bible daw ay isang kathang isip lang. Nagsimula ang ganyang mentalidad niya nang kumuha siya ng philosophy sa college.  Madalas kaming mag-argumento ngayon. Sinasabi naman niya sa akin na ang aming pagtatalo ay purely for study purpose lang at kung sakaling magkatuluyan kami ay hindi niya ako pipigilan sa aking faith.

Nalaman ito ng mga magulang ko at pinagsabihan akong makipag-break sa boyfriend ko na malamang magtangay sa akin sa kapahamakan. Iyan din ang opinyon ng aming pastor at mga kasamahan ko sa church. Pero mahal ko siya at pinagpi-pray ko na baguhin siya ng Panginoon.

Hindi po ba makabubuti kung hindi ko siya hiwalayan para sa pamamagitan ko ay maakay siya sa paniniwala sa Diyos? Naisip ko kasi na siya ay isang potensyal na mission field para maipaunawa ko ang Salita ng Diyos sa kanya. Tama po ba ako?

Ano po sa palagay ninyo, dapat ko bang ituloy ang pakikipagrelasyon sa kanya?

Vilma

Dear Vilma

Maganda ang iyong intensyon pero nakasisiguro ka ba na mahihikayat mo siya na maniwala sa Diyos? Paano kung ikaw ang matangay niya sa kaisipang walang Diyos, ‘eh di ikaw ang napahamak.

Ang magagawa mo lang ay himukin ang iyong mga kasamahan sa church na ipanalangin siya para makakilala sa Diyos. Sabihin mo sa kanya na cool off muna kayo at magbalikan kung taos sa puso niyang tanggapin si Kristo bilang Panginoon at Tagapagligtas.

Ang Diyos palagi ang dapat na prayoridad, Vilma. Kung kayo ay para sa isa’t isa, tiyak ang Diyos ang kikilos para siya ay magkaroon ng tunay na pananampalataya.

Dr. Love

vuukle comment

DEAR DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with