^

Kutob

Agosto 3, 2023

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Kahit anong bagay kung sobra o kulang ay hindi maganda. Ang sobra mong pagmamahal ay magiging daan sa pag-abuso sa iyong karapatan at kalayaan. Ang iyong pagka-workaholic ay maaa-ring kumompromiso sa kalusugan.  Lucky numbers at color for the day ang 14, 18, 23, 39 at yellow.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Sadyang hindi maiwasan ang magmahal pero mailalayo ang sarili sa maling pagpili kung gagamitin ang puso at isip. Lucky numbers at color for the day ang 13, 15, 28, 38 at orange.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Malakas ang makamundong pagnanasa at bugso ng damdamin na kung walang disiplina ay ikapapahamak. Lucky numbers at color for the day ang 6, 16, 19, 38 at cream.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Madali kang makumbinsi sa mga iaalok na bagay. Mag-ingat at baka mapeke. Kung may pagdududa, huwag ituloy. Lucky numbers at color for the day ang 17, 25, 33, 34 at maroon.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Walang mapapala kung hindi kikilos. Walang aanihin kung hindi magtatanim. Gawin ang dapat gawin, ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 4, 24, 34, 42 at red.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Kung isang Libra o Virgo ang makikilala, malamang siya ang iyong soulmate o twin flame. Happy ka! Lucky numbers at color for the day ang 19, 24, 30, 41 at brown.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Ang masamang karanasan sa nakaraan ay malamang maulit kung hindi mag-iingat. Taimtim na manalangin sa tuwina. Lucky numbers at color for the day ang 2, 23, 27, 38 at ivory cream.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20)  – Maaliwalas ang buhay sa tahanan at sa trabaho. Matatapos ng walang hadlang ang mga gawain. Lucky numbers at color for the day ang 3, 8, 39, 42 at beige.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Kung sa pakiwari mo mabigat ang problema at hirap mahanapan ng solusyon. Kumunsulta sa higit na pinagkakatiwalaan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 13, 31, 42 at pink.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Magaan ang trabaho ngunit may kabigatan sa aspetong pinansiyal. Kung may mga pautang, ngayon singilin dahil mababayaran. Lucky numbers at color for the day ang 3, 17, 25, 34 at blue.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Talo ka kung mapipikon dahil ikaw ay magiging sentro ng kantiyaw. Gawin ang hakbang para sa graceful exit. Lucky numbers at color for the day ang 2, 9, 26, 27 at lemon green.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Larawan ng pagkatao ang anumang sasabihin. Kaya huwag mangako dahil mahihirapan kang tuparin ito. Lucky numbers at color for the day ang 4, 9, 29, 33 at ruby red.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with