^

Kutob

Hulyo 30, 2023

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Upang hindi magkabuhol-buhol, ayusin ang schedules at repasuhin dahil makakalimutin ka ngayon. Huwag mangako dahil tiyak makakalimutan o hindi matutupad. Iwasan ang makipagtagpo dahil may hadlang at hindi makakarating. Lucky numbers at color for the day ang 5, 10, 29, 33 at golden brown.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Tukso na kusang lalapit ay dapat iwasan dahil sisirain ang pamilya o ang kasalukuyang relasyon. Lucky numbers at color for the day ang 10, 24, 31, 40 at yellow gold.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Unahin ang kapakanan. Walang maibibigay na tulong sa iba kung sarili ay kapos. Kung may alinlangan, huwag ituloy. Lucky numbers at color for the day ang 18, 23, 36, 38 at flaming red.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Magugulat ka sa makikita dahil hindi mo sukat akalain, isang dating insidente ang mauulit na hindi sinasadya. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 22, 34 at ruby red.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Huwag sagarin ang sarili sa trabaho dahil kalusugan ang bibigay. Makakahanap ng tamang solusyon sa suliranin. Lucky numbers at color for the day ang 5, 29, 35, 42 at orange.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Malilito ka sa mga alok. Maging mapag-isa muna para makapag-isip ng magandang ideya o tamang paraan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 10, 26, 37 at jade green.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Huwag magsisi kung may magagawang kamalian, charge it to experience at hindi na dapat maulit. Ipanatag ang isipan. Lucky numbers at color for the day ang 20, 29, 34, 42 at yellow.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) –  Lakasan ang loob sa mangyayari. Makakaranas ng pangyayari na magiging memorable. Ngayon magiging normal ang buhay. Lucky numbers at color for the day ang 8, 23, 28, 39 at gray.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – May pabuya na matatanggap sa kabutihang nagawa. Kung may tensiyon, huwag ng magkumento. Lucky numbers at color for the day ang 11, 23, 29, 38 at avocado green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Maraming kaibigan ang nagmamahal. Kung tulong ang kailangan, hindi pagkakaitan. Magiging masaya ka. Lucky numbers at color for the day ang 2, 18, 23, 41 at maroon.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) – Iiral ang katamaran at madaling magalit. Ito ang dapat paglabanan para hindi mapasubo. Lucky numbers at color for the day ang 18, 25, 39, 43 at sapphire blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Magtiwala sa nararamdaman dahil malakas ang ESP. Kung ano ang iniisip, kilos at gawin dahil may mapapala. Lucky numbers at color for the day ang 5, 22, 36, 39 at aquamarine.

 

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with