^

PSN Opinyon

Vault ni Onching na may P2-M, nawawala!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

NASAAN ang vault ng gambling lord na si alyas Onching na naglalaman ng P2 milyon? Dapat alamin ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. ang kaso ng missing vault dahil­ hindi ito makakatulong sa hakbangin niya na iahon ang imahe ng kapulisan. Sa kainitan ng kaso ng 18 police officials na pinag-resign dahil sa pagkasangkot nila sa droga, nana­wagan si Acorda sa kapulisan na magtrabaho professionally, aggressively at in accordance with the rule of law.

Ito kayang pamimitsa ng RSOG, lalo na ang pag-cash out ng Gcash ng kanilang mga nahuhuli nila, ay maliwanag na taliwas sa panawagan ni Acorda, di ba mga kosa? Hehehe! Mismooooo! Weder-weder lang talaga.

Maaring denial lang ang depensa ni RSOG chief Lt. Col. Edmar Christian Allen Tuburan dahil sinisiguro niyang hindi naman magrereklamo itong si Onching dahil illegal­ ang negosyo niya. Ang operation kasi ni Onching na lotteng­ at EZ2 ay gerilya. Ang ibig kong sabihin mga kosa, walang parating o timbre sa mga “kinauukulan” si Onching. Hehehe! Mirisi ni Onching ‘yan dahil nagtipid siya, di ba mga kosa? Eh di wow!

Paano naman mai-deny ng RSOG ang vault eh kitang-kita ng mga kapitbahay sa M. dela Cruz, Pasay nang ilabas nila ito sa kasagsagan ng raid at isinakay sa sasakyan. Hindi lang ‘yan! Naibalik din ang mga passports ng mga anak ni Onching eh nasa loob ng vault nakatago ang mga ito. Hehehe! May vault talaga subalit hindi na nadeklara ang P2 milyon. Araguuyyyyy! Ambot sa kanding nga may bangs!

Hindi na mahabol ni Onching ang pitsa niya kahit sobrang galing pa ang abogado niya. Kapag nag-iingay siya, hindi naman niya maipaliwanag kung saan galing ang pera niya. Maari kasi siyang kasuhan ng plunder o unexplained wealth si Onching kapag nagmatigas pa siya, di ba mga kosa? Hehehe! Ang win-win solution dito sa kaso ni Onching ay manahimik na lamang siya. Mismooooo!

Sa totoo lang, double whammy itong tumama kay Onching­. Ayon sa mga Marites, balak ni Onching na huminto na sa illegal­ niyang negosyo matapos tamaan siya ng tumatagin­ting­ na P1.3 milyon. Kaya lang, bago siya makapagdeklara sa kanyang mga tauhan, abayyyyy nahuli ang isa niyang kubrador na gumiya sa mga pulis sa kanyang bahay. Kaya’t nadagdagan ang talo n’yang P1.3 milyon ng P2 milyon. Hehehe! Kapag hahabulin ni Onching ang P2 milyon niya, triple whammy ang aabutin niya.

May tonggressman….este congressman na sumubok na gumitna para kay Onching subalit sinabihan siya ng Pasay police na ang NCRPO ang main operating unit sa raid. Kaya’t umuwing luhaan ang tongressman….este congressman. Hehehe! Magaling din palang makisama si Onching. Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Kapag nagpatuloy itong sistema ng RSOG, winawasak nila ang future ni NCRPO chief Brig. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez. Mismooooo!

Magkakalinaw din ang kaso ng vault ni Onching kapag ikinumpas na ni Acorda ang kamay na bakal niya.  Abangan!

vuukle comment

GAMBLING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with