Single ticketing system, itotodo na sa Setyembre - MMDA
MANILA, Philippines — Simula sa susunod na buwan ang full- rollout ng single ticketing system sa National Capital Region (NCR), ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Romando Artes .
Sa kasalukuyan, ipinatutupad na ito sa Parañaque, Muntinlupa, San Juan, Caloocan, Valenzuela at Quezon City,
Inaasahang ang iba pang LGUs na kinabibilangan ng Malabon, Navotas, Marikina, Pasig, Taguig, Makati, Manila, Mandaluyong, Pasay,Muntinlupa, Las Piñas, at Pateros ay ipapatupad na rin ito pagsapit ng Setyembre.
Bagama’t may ilang linggong pagkaantala sa delivery ng ilang handheld ticketing device, hindi aniya, nakaapekto ito sa pagpapatupad ng programa dahil ang mga pilot operation nito ay sumasailalim pa sa ilang customization.
Nabatid na na-iturn over na ang tig-30 units o kabuuang 150 handheld ticketing device units sa Valenzuela, San Juan, Caloocan, Parañaque, at Muntilupa, na may kasamang sim card na konektado o wala nang babayaran ang LGUs.
Panimula lamang umano ito dahil depende aniya, sa request o pangangailangan ay ipo-provide ng MMDA.
Nabanggit din na ang Quezon City government ay hindi na kailangan ng nasabing device dahil bumili na ito ng kanilang magagamit sa single ticketing device.
Iwas-abala at naging simple para sa mga motoristang may violations sa traffic rules dahil maraming opsyon sa pagbabayad tulad ng online platforms gamit lamang ang cellphone, QR code system, at credit -debit cards.
- Latest