Sarno bumuhat ng 3 ginto sa Asian Youth Championships
MANILA, Philippines — Tatlong gintong medalya ang binuhat ni Vanessa Sarno para sa patuloy na pananalasa ng Team Philippines sa 2023 Asian Youth and Junior Championships sa New Delhi, India.
Kinorner ng Asian at Southeast Asian Games winner ang mga ginto sa women’s youth 71 kilogram event sa kanyang 95 kilos sa snatch, 121 kilos sa clean and jerk at total lift na 216 kilos.
Tinalo ng 19-anyos na si Sarno sina Phattharathida Wongsing ng Thailand na may 92 kilos sa snatch, 120 kilos sa clean and jerk at total lift na 212 kilos at Sevinchoy Komilova ng Uzbekistan na may 88 kilos sa snatch, 110 kilos sa clean and jerk at total lift na 198 kilos para sa pilak at tanso, ayon sa pagkakasunod.
May 19 gintong medalya ngayon ang national junior at youth team sa torneo.
- Latest