^

Dr. Love

Sabik sipingan si misis

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po Jozel. Naiinis ako sa mister ko. Kakapanganak ko pa lang parang gusto na naman sundan ang anak namin. Panay ang pangungulit. Lalaki ang anak namin, gusto naman daw niya babae.

Mas makulit pa ang tatay kaysa sa baby.

Siyam na buwan daw siyang hindi makaporma sa akin.

Nang manganak ako after two months gusto na naman niyang sipingan ako.  Normal lang naman ang panganganak ko kaya malakas ang loob niya.

Nakikinig naman siya pero minsan nagigising ako sa kakakalabit niya sa akin.

Pinagbibigyan ko naman siya ng payakap-yakap at halik. Pero ‘yung pagtatalik ay hindi ko pa siya mapagbigyan.

Hindi naman sa ayaw ko, pero hindi ko pa talaga kaya. Baka magkaproblema pa ako kung magkataon.

Kaya minsan niloloko ko na lamang siya na idaan na lamang niya sa ligo.

Panganay namin ang baby naming ngayon. Parang may quota ang mister ko, gusto gumawa nang gumawa.

Jozel

Dear Jozel,

Hindi naman natin maikakaila na ang mga lalaki ay laging handa sa pagsisiping kahit hanggang sa tumanda sila.  ‘Yun lang, dapat hinay-hinay.

Mahirap naman kung dumami agad ang anak ninyo. Although maganda rin naman na masundan ang anak ninyo para may kalaro.

Dapat yata ang mister mo ang payuhan ko. Mas nauuna pa siyang dumapa kaysa kay baby. Sa mga mister, mahirap po ang pagbubuntis ng isang babae.

Siyam na buwan na daladala ng asawa ninyo ang bata. At kapag nanganganak sila ay nanganganib ang buhay ng bata at ng nanay. Kaya konting tiis at mainam na ibuhos muna ninyo ang effort ninyo sa pag-aalaga ng inyong anak bago pa ninyo sundan.

Pagdating sa pagsisiping ang babae ang dapat na masusunod, lalo na kung galing pa lang sa panganganak. Hanggang 1 taon ang agawat ay pwede na. Huwag naman agad agarin.

Dapat natin tandaan, mas mainam kapag hindi fertile ang babae kayo magsisi-ping, kung ayaw pa ninyong sundan ang anak ninyo. Kaysa ang gumamit ng contraceptive. Kung fertile na si misis at pumayag, edi wow!

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with