^

Metro

Presyo ng LPG, sumirit ng P50 sa kada tangke

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Presyo ng LPG, sumirit ng P50 sa kada tangke
Ang mga bagong deliber na LPG sa isang retail store sa Kamias, Quezon City. Kahapon kasabay sa pagtaas sa presyong produktong petrolyo, nagtaas din ng nasa P50 sa kada tangke ng LPG.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Hindi lamang produktong petrolyo ang tumaas ang ­presyo sa pagsisimula ng buwan ng Agosto kundi tumaas din ang presyo ng LPG ng may P50 sa kada  tangke, kahapon.

Sa abiso ng  Petron Corporation ang ginawa nilang pagtaas ay umaabot ng P4.55 kada kilo o may P50 taas sa bawat tangke na may laman na 11 kilo samantalang ang presyo ng  AutoLPG  ay tumaas sa halagang  P2.54 kada litro.

Ayon sa Petron, ang  pagtaas ay bunga ng international contract price  ng LPG  para sa buwan ng Agosto.

Napaulat din na ang Solane-branded LPG  ay tumaas din ang presyo ng P4.55 kada kilo.

Wala namang abiso  ang ibang kompanya ng langis kung may taas presyo rin sila sa produktong LPG.

vuukle comment

LPG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with