^

Metro

P50 milyong pondo sa 10 Quezon City based hospitals

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa P50 milyong pondo na bahagi ng Medical Access Program (MAP) fund ang ipinagkaloob ni Senador Joel Villanueva sa sampung ospital sa Quezon City.

Katuwang si Quezon City Mayor Joy Belmonte, ipinamahagi ni Senador Joel Villanueva ang P50 milyong pondo  sa 10 ospital sa lungsod sa isang seremonya sa city hall, kahapon ng umaga.

Kasabay nito,  isang memorandum of agreement ang nilagdaan sa pagitan ng   Department of Health (DOH)  at  10 QC-based hospitals para sa turn-over ng naturang pondo bilang bahagi ng  Medical Access Program (MAP) fund na inisponsor ni   Villanueva.

Sa P50 milyong pondo,  ay may tig-P5 mil­yong pondo ang 10 ospital na  tinanggap ng East Avenue Medical Cen­ter, Lung Center of the Philippines,National Children’s Hospital, National Kidney and Transplant Institute,Philippine Children’s Medical Cen­ter, Philippine Heart Cen­ter, Philippine Orthopedic Center, Quezon City Ge­neral Hospital, Quirino Memorial Medical Center at Ve­terans Memorial Medical Center.

Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Mayor Belmonte si Villanueva sa kanyang naging aksyon na  mapalakas pa ang pagtugon na magkaroon ng isang malusog na populasyon.

Anya ang kalusugan  ang isa sa kanyang mga top priorities upang ang bawat mamamayan ay magkaroon ng access sa healthcare system.

Anya sinusuportahan niya ang commitment na ito para maihatid ang tulong sa mga nangangailangan ng serbisyong medikal.

Sinabi naman ni Senador Villanueva na kung kilala siya bilang tagapagtaguyod ng mga trabaho at training  sa bansa ay numero uno ring prioridad ang programang pangkalusugan.

Anya ang bawat mamamayan na nagtatrabaho ay kailangang maging malusog para maitaguyod ang pamilya.

Kauna-unahan anya ang QC sa hanay ng mga LGU na maging partner sa pamamahagi ng tulong medical sa mga ospital dahil sa  lungsod matatagpuan ang mga specialty at malalaking ospital sa bansa .

vuukle comment

JOEL VILLANUEVA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with