^

Metro

P46 milyong halaga ng droga, nasabat sa NAIA

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa P46 milyon ha­laga ng iligal na droga ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at NAIA PDEA-IADITG sa inabandonang parcel sa isang warehouse sa NAIA complex Pasay City.

Ang nasabing parcel na mula sa Africa ay ideklarang African Cultura na padala ng nagngangalang Michael Mobida ng 28 Krombek St., Van Reibeeck BIR, Kempton Park, Johannesburg, South Africa at naka-consignee sa isang Wilbert Dee ng Manila.

Nadiskubre ng mga awtoridad ang laman ng parcel nang idaan ito sa initial inspection sa pamamagitan ng x-ray machine at binulatlat ng customs examiner nang may makitang kadudaduda sa pakete kabilang ang mga bundle ng assorted fabric placemats, pillow case, at kumot.

Naglalaman ang parcel ng 6 plastic pouches ng nuts;, 3 plastic pouches of pumpkin seeds na nakasiksik ang 6.750 kilo grams na hinihinalang shabu na may street value na aabot sa PhP45,900,000

Ang illegal drugs ay nai-turn-over na ng customs sa NAIA PDEA-IADITG para sa karag­dagang imbestigasyon.

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with