^

Metro

P30 milyong halaga ng ‘botcha ‘ meat nasabat

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
P30 milyong halaga ng ‘botcha ‘ meat nasabat
Customers shop for pork meat in Marikina Public Market on March 14, 2023.
STAR / Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) at Department of Agriculture (DA) ang nasa limang container ng expired na mga karne na nagkakahalaga ng nasa P30 milyon.

Nabatid na alas-11 ng umaga kahapon ng isagawa ng BOC, DA at Caloocan City Police ang operasyon sa isang pwesto sa bahagi ng Tuna Street C3-Caloocan City.

Personal naman ­ininspeksiyon ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo ‘Along’ Malapitan ang lugar at inatasan ang City Assessors Office na alamin ang may ari ng lote, nangungupahan gayundin ang  consignee ng frozen meat galing China.

Ayon kay Malapitan, kailangan ang paghihigpit  laban sa mga smuggle goods na mapanganib sa  kalusugan ng publiko.

Sa ngayon, isang container pa lamang ng mga expired na mga karne ang nabubuksan ng mga awtoridad.

Nagsasagawa na ng pagsisiyasat ang mga tauhan ng Customs at DA upang malaman ang halaga ng mga expired na karne.

vuukle comment

BUREAU OF CUSTOMS

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with