^

Probinsiya

Notoryus na magkaibigan, timbog sa P.5 milyong shabu

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Aabot sa kalahating mil­yong pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga ­operatiba ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) ng Lucena Police sa magkaibigang sinasabing notoryus na tulak makaraang isagawa ang anti-drug ­operation sa Purok Anak, Bagong Silang, Bgry. Cotta sa lungsod na ito, ka­makalawa ng gabi.

Kinilala ni PLt. Col. Ruben Ballera Jr. chief of police dito ang mga nadakip na sina Ramil Duenas 26, may live in partner,construction worker, at Lemuel Reynoso, 22, binata at kapwa residente sa nabanggit na barangay.

Ayon kay Lt. Col. Ballera, isinagawa nila ang buy-bust operation laban sa mga suspek dakong alas-10:59 ng gabi makaraang makatanggap ng impormasyon mula sa mga residente ng barangay kaugnay sa iligal na aktibidad ng dalawa.

Nakumpiska buhat sa mga suspek ang 22.73 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P463,692, dalawang pirasong P1,000 marked money at isang coin purse.

Kinasuhan na ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na nakapiit sa lock up jail ng Lucena Police Station.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with