^

Metro

Nakaimbak na ‘unclaimed plates’, pinabubusisi ng LTO

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binubusisi ng Land Transportation Office (LTO) ang mga dokumento ng mga ‘unclaimed plates’.

Ayon ito kay LTO Chief Vigor Mendoza, upang umano’y malaman ang tunay na dahilan kung bakit may mga nakaimbak na mga plaka ng sasakyan ang nananati­ling hindi pa rin nakukuha ng mga may- ari nito.

«We are studying everything, we are auditing all the documents pertaining to it, kasi we have to correct it para di na maulit,” sabi ni Mendoza 

Una nang nadis­kubre ni Mendoza na may 670,000 unclaimed license plates sa Cebu ang nakaimbak pa rin doon.

Ayon kay Mendoza, gagawa sila ng mga kaukulang hakbang para maayos ang pamamahagi ng mga plaka.

“Gusto natin inihahanda na natin ang kapasidad ng ating mga opisina dito, gaya sa Cebu, para pagdating ng mga plaka, dating ng mga license plates eh maganda ‘yung distribution systems natin dito,”sinabi ni Mendoza .

Nais din nito na mag­lagay ng one-stop shop facilities sa mga opisina ng LTO para mapabilis ang seribisyo sa publiko at tuloy hindi na umasa ang mga  tao sa mga fixers.

Sinabi rin ni Mendoza, kukunin din ng LTO ang tulong ng iba pang grupo at stakeholders para pabilisin ang pagpapalabas ng license plates sa mga may-ari nito hanggang Setyembre.

vuukle comment

LTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with