^

Probinsiya

Mister galing sabungan, utas sa ambush

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Pinagbabaril hanggang mapatay ng ‘di nakilalang salarin ang isang mister habang sakay ng motorsiklo ga­ling sa sabungan ka­makalawa ng gabi sa Brgy. Magdiwang, bayan ng Noveleta, dito.

Kinilala ang biktima na si Oscar Asuncion, Jr., ng Brgy. San Juan 2, Gen. Trias City, Cavite habang mabilis namang tumakas ang salarin matapos nitong mapatay ang biktima.

Sa ulat ng pulisya, alas-9:15 ng gabi habang pauwi na galing sa No­veleta Cockpit Arena at bumabagtas sa nasabing lugar ang biktima lulan ng kanyang motorsiklo nang dikitan ng suspek na sakay ng kulay itim na Yamaha Mio at agad na pinagbabaril.

Nang masigurong napuruhan ang biktima, humarurot papatakas ang suspek patungong Kawit area.

Nagsasagawa pa ng follow-up operation at investigation ang pulisya hinggil sa posibleng motibo sa naganap na ambush.

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with