Marso 12, 2020
Purihin ang lahat ng nagaganap sa iyo kahit na feel mong salungat sa inaasahan. Siya ang magbubukas ng opportunity para sa masaganang buhay.
Para Manalo
Marso 11, 2020
Ang gratefulness ay nag-aakit ng suwerte. Gawing ugali ang pagpapasalamat sa paggi­sing sa umaga. Pasalamatan ang Diyos na buhay bago matulog. Magpasalamat sa lahat na naganap sa araw
Para Manalo
Marso 10, 2020
Kapag maraming hadlang sa gusto mo, mag-pause ka muna. Isipin at tanungin ang kung ito ba talaga ang kalooban ng Diyos. Ibigay lahat sa Kanya para maganap ang lahat ng gusto mo.
Para Manalo
Marso 9, 2020
Ang tsismis ay nasa ugali at nagdadala ito ng kamalasan. Para maging masuwerte, magkalat ng mabuting salita sa kapwa. Baguhin ang pangit na ugali para masaganang events sa buhay ang maranasan.
Para Manalo
Marso 8, 2020
Maging aware sa bawat salita. Iyan ang magaganap sa buhay mo. Katulad ng salita, ang pagmumura ang sisira sa mga karanasan ng buhay mo. Ugaliin ang magbanggit ng positive words upang maging masaya ang buhay.
Para Manalo