^

PSN Showbiz

Matapos ikumpisal na maraming pinag­daanan… Misis ni Jolo, buntis na!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Matapos ikumpisal na maraming pinag­daanan…  Misis ni Jolo, buntis na!
Jolo at Angel

Wow magiging ama na si Cavite 1st District Congressman Ramon Jolo Revilla III.

Kahapon nga ay nag-baby reveal sila.

“Ngayong ika-2 ng Agosto ay pinaka-espesyal para sa akin dahil ngayon ang kaarawan ng a­king maybahay na si Angel Revilla. At magi­ging mas espesyal pa ito dahil gusto naming ipaalam sa inyo na buntis ang aking asawa.

“Nagpapasalamat kami dahil biniyayaan kami ng Maykapal ng anak, bunga ng aming malalim na pagmamahalan sa isa’t isa,” umpisa ni Jolo na tiyak na excited din sina Sen. Bong Revilla and Rep. Lani Marcado.

“Patapos na sa huling linggo ng kanyang trimester at masaya kaming malusog na nagdadalang tao ang aking asawa. Marami kaming kinaharap na mga problema mula nang kami ay ikinasal pero ang lahat ng ito ay aming nalagpasan at nangibabaw ang aming pagmamahal sa isa’t isa. Kaya naman, lubos-lubos ang aming pasasalamat at kasiyahan na ipaalam sa inyo na ilang buwan nalang ay isisilang na ang aming supling,” pag-amin pa ng magiging ama for the second time.

Dagdag niya : “Excited na kaming dalawa sa aming journey bilang pamilya at mas lalo kaming excited na ikwento ang journey ng aking asawa bilang ina. At syempre, super excited kaming malaman kung ano ang gender ng aming magiging anak.”

Sabi pa ni Jolo dagdag na biyaya ang pagbubuntis ng misis na former beauty queen.

“Napakaraming biyaya ang dumating sa amin, kasama dyan ang pagkakahirang sa akin bilang Number 1 Top Performing Congressman sa CALABARZON. Kaya naman patuloy tayong nagpapasalamat sa mga pangyayari sa aming buhay.

“Samahan n’yo kaming manalangin parati na maging maayos ang pagdadalang tao ng aking maybahay hanggang sa lumabas na malusog ang aming anak,” aniya na nangakong magkakaroon sila ng gender reveal.

May panganay na anak na si Jolo sa ex na si Grace Adriano, si Gab, na sa kanila lumaki.

vuukle comment

JOLO REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with