^

Punto Mo

Manang Rose (109)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“BAKIT ka nakaupo rito? Dito ka nag-aaral ng leksiyon mo?’’ tanong ni Gino kay Eliz.

“Wala kasi ang prop namin kaya dito ako naupo. Wala kasing bakante sa library. Pero mabuti nga at dito ako naupo, kung hindi, hindi mo sana ako nakita.’’

“Oo nga ano?’’

“Siguro kaya dito ako naupo ay dahil pupunta ka rito.’’

“Siguro nga, ha-ha-ha!’’

“Puro ka kasi sorpresa. Sana sinabi mo sa akin na pupunta ka para alam ko.’’

“E mahilig nga ako sa sorpresa. Tatakpan ko nga sana ang mata mo kanina kaya lang baka may makakitang estudyante e sabihing ang korni naman natin.’’

Nagtawa si Eliz.

“Korni mo nga kanina. Di patakip-takip ka pa ng panyo sa mukha at binago pa ang boses, ha-ha-ha!’’

“Pero nadenggoy kita—sumagot ka nang tanungin kita di ba? Hindi mo ako nahalata, ha-ha-ha!’’

“Oo nga. Nadenggoy mo ako. Sira ka talaga.’’

“E di wala ka nang klase?’’

“Wala na. Uuwi na nga sana ako kung hindi ka naupo rito.’’

“Kumain muna tayo—pizza.’’

“Sige! Libre mo ako?’’

“Ayoko!’’

Kinurot siya sa braso ni Eliz.

“Tena na!’’ yaya ni Gino.

Tumayo si Eliz. Napahawak sa kamay ni Gino.

(Itutuloy)

vuukle comment

MANANG ROSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with