^

PSN Opinyon

Mahahalagang payo para humaba ang buhay  

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

NARITO ang mga mahahalagang payo na maaring sundin para mapahaba ang buhay.

1. Ikaw ba ay naninigarilyo? Lampas ka ba sa 10 sticks sa isang araw?

Kung oo, mababawasan ng anim na taon ang buhay. Kaya itigil na ang paninigarilyo. Ayon sa pagsusuri, kapag inihinto ang paninigarilyo ng anim na buwan, makababawi na ng isang taon sa buhay. At kapag hininto ng limang taon ang paninigarilyo, makababawi ng limang taon! Kaya kali­mutan na ang paninigarilyo.

2. May kasama ba kayo sa bahay o sa trabaho na naninigarilyo? Nalalanghap mo ba ang usok ng kanilang sigarilyo?

Kung oo, mababawasan ka ng dalawang taon sa buhay dahil para ka na ring naninigarilyo.

3. Ikaw ba ay lasenggo?

Kung oo, mababawasan ka ng apat na taon sa buhay­. Ngunit kung lilimitahan mo sa isang basong red wine ang iyong pag-inom sa isang araw, puwedeng humaba ng isang taon ang iyong buhay. Maganda kasi ang red wine para sa puso.

4. Kaya mo bang tawanan ang iyong problema? Masayahin ka bang tao?

Kung oo, hahaba ng isang taon ang iyong buhay.

5. Umiinom ka ba ng gamot para sa high blood o diabetes? Nakokontrol ba ang iyong blood pressure o blood sugar?

Kung oo, hahaba ang iyong buhay ng siyam na taon, kumpara sa isang taong hindi umiinom ng gamot.

6. Nakikipag-sex ka ba ng dalawang beses bawat linggo? May asawa o regular partner ka ba?

Kung oo, hahaba ang iyong buhay ng dalawang taon. Mabuti ang pakikipag-sex para makaiwas sa prostate cancer. Ehersisyo ito ng katawan.

7. Marami ka bang sex partners? Lampas tatlo ba ang iyong karelasyon?

Kung oo, mababawasan ka ng anim na taon sa iyong buhay. Delikado kasi na mahawahan ka ng sexually trans­mitted diseases (STD).

8. May alaga ka bang aso sa bahay?

Kung oo, hahaba ang iyong buhay ng dalawang taon. Nagbibigay ng pagmamahal ang mga aso. Ayon sa pagsusuri, walang gaanong benepisyo ang pag-aalaga ng pusa. Hindi kasi malambing ang mga pusa.

9. Mayroon ka bang mga kaibigan na mas matanda o mas bata sa iyo?

Kung oo, hahaba ang iyong buhay ng isang taon. Ito’y dahil ang mga bata ay matututo sa mga matatanda. At ang matatanda naman ay makukuha ang lakas at energy ng mga bata. Huwag makipagkaibigan sa mga ka-edad mo lang. La­wakan mo ang iyong pananaw at hahaba ang iyong buhay.

vuukle comment

BUHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with