^

Metro

Love, crypto scam hub sa Pasay sinalakay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Love, crypto scam hub sa Pasay sinalakay
Sanib-puwersang sinalakay ng mga tauhan ng Department of Justice, National Bureau of Investigation, at Philippine National Police cyber scam hub sa isang gusali sa Pasay City kung saan nasamsam ang mga cellphone at tablets at gamit sa pang-iiscam.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Sinalakay ng mga ­operatiba ng Inter-Agency Council Against Traffic­king (IACAT) ang isang hinihinalang cyber scam hub sa loob ng isang establisimento sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.

Pinasok ng mga awtoridad ang limang palapag na gusali sa Zamora St. sa Pasay at inabutan ang nasa 650 indibidwal. Nasa 400 sa kanila ay mga Pinoy, habang ang nalalabi ay mga dayuhan na hinihinalang mga Chinese at Indian nationals. 

Inihain ng IACAT ang search warrant at nasamsam sa lugar ang 400 units ng mga telepono, at iba pang mga devices na gamit umano sa panggagantso. Natagpuan din ang mga dokumento na may script para sa love scam at devices sa text blasts.

Sinabi ni Department of Justice Undersecretary Nicholas Felix Ty na ang hub ay nagpapatakbo ng love scams at cryptocurrency scams.

“Kadalasan naman sa ganitong operation, meron tayong asset sa loob at ‘yung asset sa loob ay ginawa nating lead for the intel that we can gather,” ayon kay Ty.

Nakita rin sa mga screen ng mga computer ang pag-uusap ng mga scammer at mga biktimang dayuhan, nang abutan ng mga awtoridad sa raid. 

Kinikilala pa nila sa ngayon ang mga lider ng sindikato pero hinihinala na mga Chinese national ang nasa likod ng operasyon. Inaalam rin ngayon kung paano nakakapag-operate ang mga scammer kahit umiiral na ang SIM registration law. 

Sinabi ni Ty na nakarehistro naman ang kompanya at may lisensya bilang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO), pero front lang ito sa kanilang iligal na gawain.

vuukle comment

SCAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with