^

PSN Showbiz

Jomari at Abby, dalawang beses pakakasal

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Jomari at Abby, dalawang beses pakakasal
Jomari Yllana at Abby Viduya

Nasa moving on level na ngayon si Jomari Yllana, pagkatapos ng mga isyung pinagdaanan sa kanyang pamilya, lalo na sa Kuya Anjo Yllana niya.

Hanggang ngayon ay hindi pa sila nag-uusap, pero nag move on na raw siya at naniniwala siyang nanaig pa rin ang pamilya.

Isa ito sa pinag-usapan namin nang nakapanayam namin ang actor/politician kasama ang partner niyang si Abby Viduya sa nakaraang mediacon ng bagong project niyang Okada Manila Motorsport Carnivale 2023 na nagsimula na kahapon sa Okada Manila.

Masa­yang ibinahagi nina Jomari at Abby ang binabalak nilang pagpapakasal sa darating na November pagkatapos daw ng Halloween. Gagawin nila ang kasal sa Las Vegas, Nevada na dadaluhan ng ilang miyembro ng pamilya.

Sabi ni Abby, dadalo raw ang panganay niyang anak na nakatira sa Canada.

“Wala naman kaming preparation. Lilipad lang kaming mabilis. ‘Yung malaking preparation namin ‘yung church wedding namin, sa 2024 o 2025. ‘Yun ‘yung big preparation.

“Kami, quick getaway lang kami sa ano... mangibang bansa lang kami.

“Alis ako ng Halloween, para holiday. Kasi hindi ako puwedeng mawala ng Thursday e. Hindi ako puwedeng mawala ng Thursday, regular session ‘yun. ’Yun ‘yung trabaho ko kasi,”  paliwanag ni Jomari.

Sa Naga City nila gagawin ang malaking church wedding na hindi pa niya matiyak kung next year o early part of 2025.

Pero inaasahang mabubuo ang pamilya at tapos na ang isyu ng aktor sa kanyang kapatid na si Anjo Yllana by that time.

Sinasabi kasi ni Jomari na sa lahat na ginagawa niya ay nandiyan si Abby para sumuporta.

Tinanong namin kung nasaan si Abby sa isyu niya sa kanyang kapatid na si Anjo. Safe lang ang sagot nito “’Yung support namin is pantay sa isa’t-isa e. Ang pinagdaanan ko sa pamilya, part siya at ang pinagdadaanan din ni Abby sa pamilya niya, part din ako.

 “Ano din kami, moving forward. Ang hinaharap namin, pamilya namin, pamilya niya. Ikakasal kami, and masaya kami. So, ang tingin namin sa harap lang. Hindi na kami tumitingin sa nakaraan.

“I’m sure Abby ano... ‘yung understanding namin ni Abby will always be there.

“So, any issue with my family at saka family ni Abby ahhh... issues na nakapag-move on na kami.

“We never closed doors. Wala namang masamang tinapay sa amin. We’re the type of people na walang masamang tinapay sa amin.

“We’re just looking forward and isa ‘yun sa ipinagdarasal namin. We always pray for everyone.”

Sinundan namin ng tanong na hanggang ngayon ay naniniwala ba sila sa kasabihang ‘blood is thicker than water’. “Family is family and will always be family,” mabilis na sagot ni Abby Viduya.

Hanggang Aug. 6 ang Motorsport Carnivale 2023 na in-organize ng Yllana Racing ni Jomari.

Sabi sa amin ng actor/politician, sinisikap niyang mabuo silang mga Guwapings sa opening kahapon.

Nung nakatsikahan namin ay hinihintay na lang daw niyang sumagot sa kanya si Mark Anthony Fernandez. Umokay na raw sa kanya si Eric Fructuoso.

Kung mabubuo raw sila ay pag-uusapan daw nila ang isang film project na reunion nilang tatlo.

Isa sa highlights ng naturang event ay ang paggawad ng special awards kina Michele Bumgarner, Matteo Guidicelli at Cong. Richard Gomez na nakilala rin sa racing.

Mikoy, nagbalandra ng puwet!

Magsisimula na bukas ang Cinemalaya XIX: IlumiNasyon na gaganapin sa PICC, at isa sa abala sa pagpu-promote ng pelikula niyang kalahok ay ang magaling na Kapuso actor na si Mikoy Morales.

Bida siya sa isang entry ni Gian Arre na pinamagatang Tether.

Sa poster pa lang nito ay parang marahas siya, at maraming daring scenes na ginawa ng dalawang bidang sina Mikoy at Jorrybell Agoto.

Natatawa si Mikoy na kinuwento na nung sinyut daw niya ang pelikulang ito, merong isang shooting day raw na plaster lang ang suot niya buong araw.

“Kasi, effort consciously na brinaket na ‘yung scenes depende kung papano niya isu-shoot.

“Pinagsama-sama lahat sa isang araw lahat na intimate scenes.

“So, may isang buong araw na ginawa namin lahat na intimate scenes in one whole day, para nandun din ‘yung intimacy coordinator namin.

“So, naka-plaster ako dun... actually hindi siya plaster, kasi masakit ‘pag plaster,” natatawang kuwento ni Mikoy.

Hindi pa raw niya napanood ang kabuuan ng pelikula, kaya hindi pa niya alam kung nakabalandra ba ang puwet niya sa pelikulang ‘yun. “Hindi ko alam kung nakita sa shots. Hindi ko alam kung kita, pero oo ginagawa namin ‘yung eksena na nakalabas ‘yung puwet ko. Ewan ko kung nakunan nila ‘yun,” sabi pa ni Mikoy.

 Sa Aug. 7, Lunes, ng 9 ng gabi ang gala ng Tether na gaganapin sa Cinema Rizal (Meeting Room 1) ng PICC. Kasali rin pala si Mikoy sa isang entry na pinamagatang Rookie.

vuukle comment

JOMARI YLLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with