^

PSN Showbiz

The Iron Heart umani na ng 400 milyong social views, Richard-Sarah dedma habang nasa Balzi!

Pilipino Star Ngayon
The Iron Heart umani na ng 400 milyong social views, Richard-Sarah dedma habang nasa Balzi!
Richard Gutierrez at Sarah ­Lahbati

MANILA, Philippines — Honeymooners ang peg nag-mag-asawang Richard Gutierrez and Sarah ­Lahbati sa Bali, Indonesia.

“Slowing down with my love after the festivities,” sabi ni Sarah sa laplapan photos nila at pa-abs ni Richard habang nasa pool sila.

Kaya ang sagot ni Ruffa Gutierrez “No wonder you guys are ignoring the family chat.”

Kasama sila sa mga bisita sa kasalang Maja Salvador and Rambo Nuñez.

Anyway, bongga sunud-sunod ang pasabog ng hit action series na The Iron Heart mula sa hitik na hitik na action scenes nina Apollo (Richard Gutierrez) at Brother Joseph (JM de Guzman) hanggang sa pagbabalik ni Priam (Albert Martinez) kaya naman umani na ang programa ng lampas 400 milyong social views sa Facebook, TiktTok, Instagram, at Twitter ngayong Hulyo.

Nakamit din nito kamakailan ang panibagong all time high live viewership record na 314,698 views dahil sa matinding rebelasyon na magkakampi pala sina Eros (Jake Cuenca) at Brother Joseph (JM de Guzman).

Matinding pagsubok nga ang kahaharapin ni Apollo sa mga susunod na linggo ngayong ipinakita sa kanya ni Menandro na buhay pala ang kanyang ama.

Samantala, nakilala na rin ng manonood ang kasapi ni Eros o Commando sa Altare High Table na sina Circe (Ryza Cenon), Clio (Cay Kupers), Aion (Ian Ignacio), at Cian (Gian Magdangal).

Napapanood ang The Iron Heart, 8:45 p.m. sa A2Z, Kapamilya Channel, TV5, Kapamilya Online Live on Facebook and YouTube, Jeepney TV, and TFC IPTV.

GMA Network may 101 stations na, mamimigay ng bahay at lupa

Mas pinalakas at pinalawak ang paghahatid ng viewing experience ng GMA Network para sa mga manonood.

Kamakailan nga ay binuksan na nila ang bagong digital TV broadcast station nito sa San Pablo, Laguna.

Sa ngayon ay may 101 stations na ang GMA sa buong Pilipinas – 79 analog broadcast stations at 22 digital broadcast stations. At dahil na rin sa digital receivers na GMA Affordabox at GMA Now, mas malinaw pang napapanood ng mga Kapuso ang paborito nilang mga programa saan mang sulok sila ng bansa.

Bukod dito, nag­lalakihang cash pri­zes kasama pa ang chance na magwagi ng isang brand new house and lot ang handog ng GMA para sa mga mamimili at sari-sari store owners nationwide sa pamamagitan ng Kapuso Bigay Premyo Panalo (BPP) Season 7.

Milyun-milyong prizes na rin ang pinamigay nila sa iba’t ibang panig ng Pilipinas mula 2021.

Ngayong nasa ika-pitong season na ito, higit sa 8 milyon pisong halaga ng papremyo ang maaaring mapa­nalunan ng aabot sa 1,000 winner mula NCR, Luzon, Visayas, Mindanao – kabilang na ang P200,000 cash at brand new house and lot unit mula sa Camella.

Basta may entry, may chance na manalo dahil ang dropboxes ng Kapuso Bigay Premyo Panalo Season 7 ay makikita nationwide! Bukod kasi sa Mercury Drug branches, maaaring ihulog ng mga mamimili at sari-sari store owners ang kanilang entry sa dropboxes na matatagpuan sa lahat ng GMA TV at Radio stations sa buong Pilipinas.

vuukle comment

RICHARD GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with