^

Pang Movies

Humirit ng fake news... Arjo at Maine, naintriga ang honeymoon sa Europe!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Humirit ng fake news... Arjo at Maine, naintriga ang honeymoon sa Europe!
Arjo at Maine

Nahaluan ng kontrobersya ang honeymoon ng bagong kasal na sina Cong. Arjo Atayde and Maine Mendoza.

Kahapon ay sinagot nila ang isang article na isasabay nilang mag-asawa ang honeymoon sa pagdalo ni Arjo sa Locarno Film Festival bilang Vice chairman ng Special Committee sa Congress on Creative Industry and Performing Arts.

Namalisyahan sila sa title nito.

Mabilis ang tweet ng bagong misis ng kongresista na “Huh? Fake news na naman. This seems to be written by an uninformed and privy writer. The headline is misleading and FALSE. Arjo will go to Locarno as his film is part of the Locarno film fest. Our PERSONAL trip after that is at PERSONAL expense.. out of our OWN pockets.”

Dadalo sila sa 76th Locarno Film Festival sa Switzerland dahil sa pelikulangTopakk ng aktor / pulitiko.

Mabilis namang nabura ang nasabing article.

Samantala, talagang ibang mundo na ang ginagalawan ni Arjo.

Bukod kina Tito, Vic and Joey, naging ninong din sa kanilang kasal sina Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri, House Speaker Cong. Ferdinand Martin Romualdez and ABS CBN CEO Carlo Katigbak.

Ang mga ninang naman ay pinangunahan nina Quezon City Mayor Joy Belmonte, Maricel Soriano, Nova Villa, Rhea Anicoche-Tan, Madeleine Tuviera, Celeste Tuviera and ABS CBN executive Cory Vidanes.

Anyway, bitbit ni Maine sa wedding nina Rambo Nuñez at Maja Salvador ang mini Hermes Kelly na wedding gift sa kanya ng asawang pulitiko.

More than half a million pala ang ang halaga nito.

Si Maine naman daw ay SUV na Toyota Land Cruiser ang regalo sa mister.

Dating child actor na si BJ Forbes, mas gustong alagaan ang anak na na-stroke

Ayaw na sa pulitika ng former young actor na si BJ Forbes.

Mas gusto niyang balikan ang showbiz.

Isa siya ngayon sa mga bida sa pelikulang The Special Gift.

Ramdam niya raw ang ibang elemento sa pulitika.

Paliwanag niya : “Hindi po ako tatakbo this co­ming election dahil po hindi po siguro ‘yun talaga ‘yung gusto ng puso ko. Dahil po nasa puso ko ‘yung pagtulong. Nasa puso ko po ‘yung pagseserbisyo sa tao pero pag kasi pumapasok na ‘yung ibang elemento ng politika...

“Nandyan po ‘yung mga kasamahan natin na nakikita natin ‘yung ginagawa. Nandyan po ‘yung mga tao na hindi ka naiintindihan, na tao ka lang din at hindi nila nabili ‘yung pagkatao mo ‘pag ika’y nakaupo.

“So ‘yun po ‘yung mga gusto kong iwasan at ayokong lalo na po meron nga akong anak na kailangan kong focusan.

“So ayaw ko po ng mga negative thought kaya po lalayo muna ako sa politika.

“And I think kaya ko naman tumulong kahit wala po ako sa posisyon. But if given a chance na makapag full time po ulit sa showbiz... I’m very thankful kung mabibigyan po ng pagkakataon na mailabas po and this time hindi na ako ‘yung batang si Tolits.

“Mas kaya ko nang ihayag kung ano talaga ako, kung ano talaga ‘yung kaya kong gawin and kung paano ko i-handle ng tama rin ‘yung career ko po,” mahabang paliwanag ng dating That’s My Boy contestant na naging mainstay rin ng Eat Bulaga.

At dito rin naikuwento si BJ ang kalagayan ng anak na apat na taon na si Janela.

Sinabi niya na inaalam pa pa nila ang dahilan seizure na sinundan ng stroke.

Pero tanggap na nila ang lahat.

Ang The Special Gift ay kuwento ng batang 10-year old na ginagampanan ng Kapuso young actor na Franchesco Maafi na tungkol sa bullying sa school na nadiskubre ng kanyang teacher.

“She’s four years old and she’s a PWD dahil nung one year old po siya ay nagka-seizure sya then na-stroke siya because of lack of oxygen sa kanyang utak.

“So it’s been three years na dealing and handling the situation of my child, my kid na hindi normal.

“Hindi siya nakakapaglakad, hindi siya nakakapag-talk because of the damage of the stroke. But for me hindi ko siya masasabi as disadvantage or hindi ko sya masasabi as talagang literal na pagkalugmok sa buhay or dagok sa buhay.

“It’s a blessing for me because ‘yun nga ‘yung istorya ko ‘pag tuwing kinukwento ko is maraming tao nata-touch ‘yung buhay and siguro talagang alam ng Panginoon kung gaano ako kalakas kaya sa akin Niya binigay ‘yung pagsubok na ‘yun.

“So when it comes to special child, it’s very close to my heart. It’s very close to my old personal life experiences. So ayun po mahal na mahal ko ‘yung anak ko inspite of anything that happened,” pagbabahagi niya tungkol sa kanyang anak

Kasama rin sa movie sina Soliman Cruz  Mike Lloren, Malou Canzana, Migui Moreno, Ella Sheen, Romina Cauilan, Angelo Gomez among others.

Produced by Roy C. Gomez and directed by Lawrence Roxas.

Ghost month, hindi na uso sa showbiz

Parang hindi na big deal sa showbiz ang ghost month.

Noong active pa si Kris Aquino lagi niyang sinasabi hindi tatanggap ng work ng August.

According to Chinese lunar calendar mag-uumpisa ang Ghost Month this year ng Aug. 16 at matatapos sa Sept. 14.

Noon pagpasok ng August pinaalala nila ang tungkol dito.

Kahit pagpirma ng kontrata o importanteng decision ayaw mag-decide ni Kris.

Pero ngayon parang wala nang ganun.

vuukle comment

ARJO ATAYDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with