Huey nagretiro na sa tennis
MANILA, Philippines — Nabawasan ng isang mahusay na tennis player ang Pilipinas.
Nagretiro si Fil-American netter Treat Huey matapos masibak sa doubles qualifying round ng nakaraang Mubadala Citi DC Open sa Washington, USA.
“It was amazing I played for 14, 15 years, so I had an amazing time,” sabi ng 37-anyos na si Huey na nagsimulang isuot ang uniporme ng Pilipinas noong 2009 sa Davis Cup at sa Southeast Asian Games.
Siya ang tanging Filipino player na nakaabot sa doubles semifinals ng Wimbledon Championships katambal si Belarusian Max Mirnyi noong 2016.
Sa paglalaro niya sa SEA Games ay kumolekta si Huey ng tatlong gold medal, ang dalawa dito ay sa mixed doubles noong 2011 sa Jakarta, Palembang, Indonesia at noong 2015 sa Singapore.
Huli siyang nakamedalya sa SEA Games noong 2021 sa Vietnam.
- Latest