^

PSN Palaro

David, Amaro nagposte ng Palaro record

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinoste ni Krystal Ava David ng National Capital Region ang ikalawa niyang bagong Palarong Pambansa record habang nag­lista rin ng bagong marka si TJ Amaro ng Region V kahapon sa Marikina City.

Nilangoy ni David ang gold medal sa girls’ 50-meters breaststroke sa bilis na 36.51 segundo at sinira ang dating 36.63 segundo ni Raissa Regatta Gavino noong 2018 edition.

Nauna nang binura ng 12-anyos na tanker ng Colegio de San Agustin ang 1:19.35 ni Gavino sa girls’ 100m breaststroke noong 2013 Palaro para sa bago niyang 1:17.98.

Kinubra ni David ang kanyang ikatlong ginto nang pagreynahan ang girls’ 200m Individual Medley sa bilis na 2:37.32.

May bago ring Palaro mark ang 18-anyos na si Amaro sa secondary boys’ 50m butterfly sa kanyang tiyempong 26.14 segundo para sapawan ang 26.34 segundo ni Mervien Jules Mirandilla noong 2018 edition.

Samantala, inangkin ni Francis Greg Espiritu ng Region 11 ang dalawang gold nang magdomina sa secondary boys’ 200m IM (2:14.27) at 50m breaststroke (30.25).

vuukle comment

PALARONG PAMBANSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with