^

Probinsiya

Chop-chop na katawan, natagpuan

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Chop-chop na katawan, natagpuan
Sa ulat ng pulisya, alas-5 ng hapon nang matagpuan ng ilang re­sidente rito ang putol na katawan ng tao sa madamong bahagi na malapit sa ilog, isang araw matapos makita ang inanod na putol na paa ng isang tao.
File

CAVITE, Philippines — Matapos matagpuan ang isang putol na paa ng tao habang lulutang-lutang sa ilog sa lungsod ng Gen. Trias, isang putol na katawan ng tao naman ang natagpuan sa madamong bahagi ng open canal ng Brgy. Pasong Camachile 2, sa nasabi ring lungsod, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ng pulisya, alas-5 ng hapon nang matagpuan ng ilang re­sidente rito ang putol na katawan ng tao sa madamong bahagi na malapit sa ilog, isang araw matapos makita ang inanod na putol na paa ng isang tao.

Nabatid na walang ulo, kamay at paa ang nadiskubreng katawan at hinihinalang may ilang araw na ring babad sa tubig. 

Inaalam pa ng pulisya kung may kaugnayan ito sa natagpuang isang putol na paa ka­makalawa sa Bacao River ng nasabi ring lungsod.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with