^

Police Metro

Bilibid inmates pwede nang mag-order ng pagkain online

Ludy Bermudo - Pang-masa
Bilibid inmates pwede nang mag-order ng pagkain online
Persons Deprived of Liberty (PDL) talk with their loved ones and relatives over the telephone during the launch of the non-contact booth at the Manila City Jail male dorm on April 26, 2022.
STAR / KJ Rosales

MANILA, Philippines — Pinapayagan na ang persons deprived of liberty (PDLs) na nakapiit sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City na umorder ng pagkain sa pamamagitan ng online delivery applications.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Bureau of Corrections (BuCor) Director, General Gregorio Catapang Jr. na gamit ang laptops na itinala­gang gamitin ng PDLs sa “e-dalaw”.

Ang lahat naman ng idedeliber na order ay ibabagsak sa outpost ng NBP para rikisahin bago ipasok at ibigay sa PDLs, upang maiwasang makapagpasok pa ng mga kontrabando.

Ito’y dahil na rin sa mga insidente na naisi­ngit sa food packages ang kontrabando, kabilang ang sigarilyo na natuklasang ibinaon sa spaghetti.

Ibinunyag rin ni Catapang na natuklasan ang isang sachet ng shabu na nakasingit sa idineliber na pagkain.

Nilinaw ni Catapang na hindi naman nila aalisin ang online delivery applications dahil sa karapatan ng mga preso na umorder ng pagkain, na bahagi ng Mandela prison reform rules.

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng paggalang sa mga karapatan ng mga bilanggo, kabilang ang kanilang mga kagustuhan para sa kanilang katutubong lutuin, tulad ng Chinese o Korean food.

Nakakaawa aniya, ang kalagayan ng mga bilanggo na siksikan sa ngayon kaya binibigyan sila ng kaunting luwag tulad ng pag-order sa labas ng pagkain.

Ang NBP na dapat ay mag-accommodate lamang ng 6,000 preso ay nasa 30,000 sa kasalukuyan.

vuukle comment

NEW BILIBID PRISON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with