^

PSN Showbiz

'Akala ko hindi na ako ikakasal': Bea Alonzo nagsalita matapos engagement

James Relativo - Philstar.com
'Akala ko hindi na ako ikakasal': Bea Alonzo nagsalita matapos engagement
Dominic Roque proposing to Bea Alonzo.
Dominic Roque via Instagram

MANILA, Philippines — Aminado ang aktres na si Bea Alonzo na inakala niyang tatanda siyang dalaga, bagay na kanyang ibinahagi sa media ilang linggo matapos mag-propose ng aktor, at ngayo'y fiancée, na si Dominic Roque.

Nakailang relasyon na kasi si Bea na nauwi lang sa wala. Kabilang sa mga ex-boyfriends niya ang mga aktor na sina Gerald Anderson, Zanjoe Marudo at Mico Palanca. Niligawan din siya noon ni Jake Cuenca.

"Ako personally akala ko hindi na darating 'yung pagkakataong ikakasal na ako. There was a point in my life na I didn't believe in marriage anymore kasi ilang beses na akong napaso," wika ni Bea sa ABS-CBN News nitong Martes.

"'Yon pala mayroon talagang ibibigay si Lord sa iyo ng isang tao na magpaparamdam sa iyo na you are worthy, that you are enough."

Ika-18 nang tuluyan silang ma-engage ni Dominic matapos ang romantikong proposal sa Las Casas. Nagtungo ang aktres sa naturang lugar para sa shooting. Ang hindi niya alam, doon na pala magsisimula ang kanilang "forever."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Bagama't hindi pa raw nila napagplaplanuhan nang husto ang kasal, sinabi ng aktres na gusto sana niyang daluhan lang ito ng mga malalapit sa kanilang magjowa.

"Kaming dalawa 'yon ang pangarap namin [intimate wedding]," dagdag pa ni Bea.

"Hindi ko pa alam [kung saan]. Kasi alam mo kahit naman anong gusto namin siyempre maraming considerations ang mga bisita, pamilya namin. So marami kaming ideas in mind pero ang hirap kasing i-share tapos hindi 'yon 'yung matutuloy."

Marami naman na raw ang nagprepresentang ninong at ninong sa kanilang pag-i-isang dibdib, pero pag-uusapan pa raw nila ngayong linggo ang pinal na listahan.

Kamakailan lang din nang ipasilip ni Dominic ang video ng wedding proposal sa iniibig na aktres.

vuukle comment

BEA ALONZO

DOMINIC ROQUE

PROPOSAL

WEDDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with