^

Probinsiya

21-anyos kinatay ng live-in partner sa selos

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
21-anyos kinatay ng live-in partner sa selos
Kinilala ng Calamba Police ang biktima na si Andrea Salve Escalante, na nagtamo ng lima hanggang pitong saksak ng patalim sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan at idineklarang dead-on-arrival sa JP Rizal Hospital.
STAR / File

LAGUNA, Philippines — Kalunus-lunos ang sinapit ng isang 21-anyos na babae na inakusahang may ibang lalaki matapos pagsasaksakin ng kanyang live-in partner dahil sa matinding pagseselos sa loob ng kanilang tahanan sa APH Acacia Park Home sa Brgy. Saimsim, Calamba City nitong Lunes ng hapon.

Kinilala ng Calamba Police ang biktima na si Andrea Salve Escalante, na nagtamo ng lima hanggang pitong saksak ng patalim sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan at idineklarang dead-on-arrival sa JP Rizal Hospital.

Ayon sa isa sa apat na imbestigador ng kaso na si Staff Sergeant Zidney Manglo, agad na naaresto ang suspek sa krimen na si John Lester Catambay, 23-anyos, sa ikinasang hot pursuit operation ng mga pulis-Calamba sa Brgy. Parian, Calamba City, Laguna, bandang alas-5 ng hapon ng nasabi ring araw.

Natiyempuhan ng mga pulis ang suspek habang naglalakad mag-isa sa kalsada papatakas patungo sa hindi malamang destinasyon.

Sinabi ng mga imbestigador na pagseselos ang motibo sa pagpatay ng suspek sa babaeng kinakasama kung saan napag-alaman na halos limang taon nang nagsasama ang dalawa at may dalawang anak.

Ayon sa ina ng biktima, nasa loob ng kanilang bahay ang mag-live in partner dakong alas-2:30 ng hapon nang magkaroon ng mainitang pagtatalo.

Bunsod nito, mabilis na umakyat ang ina ng biktima sa ikalawang palapag ng kanilang bahay upang magkaroon ng privacy ang mag-partner para mag-ayos sa pinagtatalunan.

Gayunman, matapos ang ilang minuto, narinig na lang ng nanay na su­misigaw na ang kanyang anak ng --”Mama papatayin na niya ako”. 

Dito, agad na bumaba ang ina mula second floor at nakita na nitong sunud-sunod na sinasaksak ng suspek ang kanyang anak.

Dagdag ng pulisya, inakusahan ng suspek ang kanyang kinakasama na may ibang lalaking karelasyon.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with